Monday, November 24, 2014



Pasko na naman
Saan ka man magpunta
Ang dami nang dekorasyon
Na berde at pula

Maraming mga snowman
at anyo ni Santa Claus
Ngunit ang belen
Tila'y na-laos

Bakit naman
nagkaganito
Nakalimutan na ata
Ang kahulugan ng Pasko

Inalis na si Hesus
sa selebrasyon
Ang may kaarawan
Di inanyayahan sa pagtitipon

Kaya mga kaibigan
Umaksyon na tayo
Ibalik natin si Hesus
Sa Pagdiriwang ng Pasko

No comments:

Post a Comment